ílang-ílang
Philippine Flora, trees, trees in the Philippines, ornamental plants, medicinal plants, traditional medicine
Ang ílang-ílang (Cananga odorata) ay isang katutubong punongkahoy na may mabangong bulaklak at langis. Mabilis lumaki ang ilang-ilang. Umaabot ng hanggang limang metro ang taas ng punò nito sa loob lámang ng isang taon.
Ang punò ng ilang-ilang ay malago, may mga san-gang nakalaylay na kinak-abitan ng mga dahon nitó. Baluktot ang talulot ng bulaklak nitó kung ito’y murà pa at nakalaylay naman kung ito’y magu-lang na. Ang dahon nito ay kulay berde na may 20 sentimetro ang habà. Ang prutas nito ay kulay itim na 1.5–2 sentimetro ang habà, malamán, katulad ng oliba at may 12 butó sa bawat prutas.
Masasabing napakabango ng halamang ito kung kayâ’t bukod pa sa gamit nito bilang halamang orna-mental, karaniwan din itong ginagamit bilang isang natural na sangkap sa paggawa ng mga pabango at sabon. Dahil sagana ito sa katas na napakikinaban-gan sa paggawa ng pabango para sa komersiyal na produksiyon, mayroon na ring malalaking taniman ng ilang-ilang sa bansa.
Bukod sa pabango, may malaking ambag din sa tradisyo-nal na medisina ang ilang-ilang. Ginagamit ang langis mula sa mga bulaklak nitó bilang panghilot at pampagin-hawa sa pagal na katawan. (ACAL)