Felix Resurreccion Hidalgo
(21 Pebrero 1855–13 Marso 1913)
Dakilang pintor ng siglo 19 si Felix Resureccion Hidalgo (Fé·liks Re·su·rek·si·yón I·dál·go) at itinuturing na kaagaw ni Juan Luna sa unang hanay. Ang kaniyang Las virgenesCristianasexpu-estas al populacho (Mga Birheng Kristiyano na Nakalantad sa Madla) ay nagtamo ng medalyang pilak sa Exposicion Gen- eral de Bellas Artes saMa- drid noong 1884. Noong 1887, sa Exposicion Gen- eraldelasIslasFilipinasna ginanap sa Madrid, nag- wagi ng gintongmedalya ang kaniyang La Laguna estigia. Noong 1904, nagawaran ng gintong medalya ang kalahatang paglahok ni Hidalgo sa Universal Exposition sa St Louis, Missouri. Nakatang- gap rin ng indibidwal na gintong medalya ang kaniyang obrang El violinista.
Isinilang siyá sa Binondo, Maynila noong 21 Pebrero 1855, ikatlo sa pitong anak nina Eduardo Resurreccion Hidalgo at Maria Barbara Padilla. Nagtapos siyá ng pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1871 habang nag-aral din sa Escuela de Dibujo y Pintura sa ilalim ng pintor na Español na si Agustin Saez. Nag- wagi siyá ng gantimpalang pilak sa patimpalak sa pag- gawa ng dibuho para sa pabalat ng Flora de Filipinas ni Padre Manuel Blanco. Nagpakadalubhasa sa pagpipinta si Hidalgo sa Europa at nagpalipat-lipat ng pag-aaral sa Madrid, Paris, at Roma. Marami siyáng malaking obrang nilikha para sa pamahalaang Español kapalit ng pagtataguyod sa kaniyangpag-aaral.
Nanirahan sa France si Hidalgo at dumalaw sa kaniyang mga kamag-anak sa Maynila noong 1912. Nais siyáng makapiling kaniyang ina ngunit hindi siyá nakapagtagalsa FilipinassapagkatkailangangmagbaliksaParis.Pumanaw si Hidalgo 13 Marso 1913 sa Sarrea, España. Naibalik sa Filipinas ang mga labí niya at nakahimlay sa Cementerio del Norte.(RPB)