hasmín
Philippine Flora, flowers, aromatherapy, traditional medicine, medicinal plants, Flowers in the Philippines
Ang hasmín ay alinman sa mga gumagapang na palumpong ng genus Jasmi-num na may napakabangong muntî at putîng bulaklak. Karaniwang pinakawawalan nitó ang halimuyak pagpatak ng dilim, kayâ naman mada las itong pinipitas kapag gabi. Ang pangalang siyentipiko nito ay Jasminum officinale. Matagal nang itinatanim ang hasmín kayâ’t hindi matiyak kung saan sa Gitnang Asia ito nagmula. May talâ noong ikatlong siglo sa mga tekstong Chino hinggil sa hasmín bi-lang isang banyagang bulaklak. Nagmula ang tawag ng mga Filipino rito sa Español na jazmin.
Ginagamit din ang nakakatas na langis mula sa hasmín para sa aromatherapy. Madalas na mamahalin ang langis nitó, bagaman kaunting patak lang ang kailangan para sa mabisang halimuyak nitó. Nakapagpapakalma umano ang halimuyak ng hasmin, at nakatutulong upang maibsan ang pagod at depresyon, gayundin ang ilang kondisyong may kinalaman sa paghinga. Sinasabi ring mabisang aph-rodisiac ang hasmín at natutugunan ang ilang suliraning may kinalaman sa pakikipagtalik.
Ginagamit din ang hasmin sa dermatolohiya o anumang may kinalaman sa sakit sa balat, bilang antiseptiko o pan-laban sa paglago o pagkalat ng mikrobyo na nagdudulot ng sakit, o bilang panlaban sa pamamagâ. Nagtataglay ng halos 25% na benzyl acetate ang hasmín na kilaláng nasi-sipsip ng balát at maaaring magdulot ng iritasyon sa mga sensitibo o may alerhiya rito. May talâ sa Timog China na ginagamit din ng ilan ang hasmín bilang katutubong gamot panlaban sa hepatitis. (ECS)