halálan

Ang halálan ay isang pagpapasiya hinggil sa isangusapin o sa pagpilì ng mga pinunò sa pamamagitan ng bóto. Ang bóto ay isang pormal na pagpapahayag ng pagsang-ayon, pasiyá, o hatol sa pamamagitan ng balota, pagtataas ng kamay, atkatulad.

Sa panahon ng Español, limitado ang pakikilahok sa halálan sa kalalakihang edukado at may ari-arian; nilalahukan lamang ito ng mga principales at silá rin lamang ang maaaring tumakbo bilang gobernadorcillo. Ipinakilala ng mga Americano ang pagbuo ng partidong politikal at halalan para sa mahahalagang posisyon sa pamahalaan. Naganap ang unang pambansang eleksiyon noong Setyembre 1935 at naging unang halal na pangulo si Manuel Quezon. Sa panahong ito pinalawak ang pakikilahok sa eleksiyon; Abril 1937 nang iginawad sa kababaihan ang karapatang  bumoto.  Sinasabing ang eleksiyon ng 1949 ang simula ng isang maduming eleksyon dahil sa manipulasyon at pagbilí ng mga boto habang ang eleksiyon ng 1961 ang naging pinakamagastos. Nang magdeklara ng Batas Militar noong 1972, nasuspinde ang eleksiyon sa bansa at muli lámang ibinalik noong 1981. Maskilala bilang snapelection  ang naganap na halálan ng 1986 nang maagang magpatawag si Ferdinand Marcos ng eleksiyon  dahil  sakaguluhan sa lipunan na dulot ng kritisismo ng mga tao sa kaniyang lehitimidad. Naging kontrobersiyal ang halalan ng 2004 dahil sa eskandalong “Hello Garci,” isang pag-uusap di-umano ni Gloria Macapagal Arroyo at ng noon ay election commissioner Virgilio Garcillano sa telepono hinggil sa pagdadagdag ng boto pabor kay GMA.

Ang eleksiyon ngayon ay ipinatutupad alinsunod sa Konstitusyong 1987 at ng Omnibus Election Code. Ayon dito, walang pamantayang nakapagdudulot ng diskriminasyon—gaya ng edukasyon, ari-arian, at iba pa—na maglilimita sa karapatang bumoto. Naging automated ang eleksiyon sa bansa noong 2010. Ang Commission on Election (COMELEC) at National Citi- zens ’Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mga organisasyong nangangasiwa para isang malaya at malinis na halalan.(KLL)

Cite this article as: halalan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/halalan/