Hádji
Ang hádji ay isang titulo ng karangalan na inilal-agay sa unahan ng pangalan ng isang muslim na matagumpay na nakapaglakbay sa Mecca. Mula ito sa salitáng Arábe na haj na nangangahulugang magsagawa ng peregrinasyon sa Mecca. Bukod sa Shahadah, Salat, Zakat, at Ramadan, kabilang ang Haj sa Limang Haligi ng Islam ayon sa turo ng propetang Muhammad at naisulat sa Koran. Itinuturing na mahalagang lugar ang Mecca dahil sa lugar na ito ipinanganak si Muhammad noong 570 CE. Narito rin ang isang batong marmolna pinanini- walaang ginamit ni Abraham upang makapagkubli sa mga kaaway.
Ang mga babaeng nakapagsagawa ng haj ay tinatawag na “hádja” o “hajiya.” Sa ilang mga bansang Arábe, kadalasan itong ginagamit bilang tanda ng paggalang sa mga nakatatandang miyembro ng lipunang Muslim, nakapaglakbay man sa Mecca o hindi.
Sa Filipinas isa sa mga kilaláng hádji si Hadji Butu (1865–1937), isang iskolar, estadista, at ang unang senador na Muslim. Nanungkulan siyá sa senado sa ikaapat at ikawalong Philippine Assembly bilang senador para sa ika-12 distrito ng Mt. Province, Baguio, Nueva Vizcaya, Bukidnon, Cotabato, Davao, Lanao, Sulu at Zamboanga. (KLL)