Habágat

meteorology, climate, wind patterns, weather, weather patterns, Philippine Weather, Philippine mythology, mythology, seasons, Philippine climate, folklore

 

 

Habágat ang tawag sa simoy na nagmumula sa timog-kanluran at nagdadala ng malakas na ulan na karaniwang bumabagsak sa kanlurang bahagi ng bansa. Ito ay kadala-sang nagsisimula sa panahon ng tag-init sa hilagang hemi-sphere, sa panahong ang kalupaan ng kontinente ng Asia ay nagiging mas mainit kaysa mga nakapalibot na karagatan. Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng mababàng presyur ng hangin sa lugar at ang hanging dalá nitó mula sa kara-gatan ay imiihip papuntang kalupaan ng Asia. Ang simoy na ito ay may daláng init at alinsangan na dumadaan sa kalupaan ng Filipinas at siyang nagiging pangkalahatang klima ng bansa. Ang pag-iral ng simoy ito ay nagsisimula mula Mayo o Hunyo at tumatagal hanggang Oktubre.

 

Sa ilang alamat, malimit ilarawan si Habagat na isang ma-bagsik na nilaláng at nagnanasà sa magandang diwatang si “Amihan”. Ang pagsisikap ni Habagat na dakpin si Ami-han ang lumilikha ng pagpupuyos ng hangin at pagtaas ng alon na kinatatakutan ng mga magdaragat. (AMP)

Cite this article as: Habágat. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/habagat/