guso

Philippine Flora, aquatic plants

 

 

Ang guso ay isang uri ng halamang-dagat na kabi-lang sa pamilya Solieria-ceae. Ang pinakakilaláng genera ay ang Kappaphy-chus at Eucheuma. Higit sa dalawang dosenang espesye na kabilang sa mga genera na ito ay kilalá sa buong mundo at may ilang makikita sa Filipinas. Ang guso ay likás na matatagpuan sa buong rehiyon ng Indo-Pacifico mula silangang Africa hanggang Guam, sa tubig ng China at Ja-pan at karamihan sa mga bangkota ng mga isla sa timog-silangang Asia. Bagaman ang Kappaphycus alvarezii and Eucheuma denticulatum ang kadalasang pinapalaki o inaalagaan sa buong mundo, may mga lokal na espesye rin ang inaalagaan sa Indonesia, Malaysia, at Tanzania.

 

Ang katawan ng guso ay masyadong kartilago, malaman at puwedeng nakatayô, at binubuo ng hugis silindro at siksik na mga sanga. Ang kulay ay mapusyaw na kayumanggi at berde. Ang dami ng mga sanga ay minsang makapal at minsan namang manipis. Magkakaiba ang morpolohiya ng guso dahil sa pagkakaiba ng lahi, pangkaligirang kada-hilanan, at patuloy na pagbabago ng anyo na humahan-tong sa pananatili ng mga katangian tulad ng pagkakaiba ng mga kulay. Lumalaki itong kasáma ng mga korales at sa unang tingin ay mapagkakamalang isang espeye ng ko-rales. Ang pinakamalaking espesye ay maaaring umabot sa higit na 100 sentimetro ang habà.

 

Ang likás na tumutubò at inaalagaang espesye, tulad ng Kappaphycus alvarezii, Kappaphycus striatum, at Eucheuma denticulatum ay pangunahing pinagkukunan ng komer-siyal na karageenan. Ang pag-aalaga ng guso ay isa sa pinakamalaki at produktibong paraan ng kabuhayan ng mga mangingisda. May iba’t ibang pamamaraan ng pag-paparami ng guso at isa rito ay ang palutang. Itinatali ang semilya sa plastik na lubid at hinahayaang lumutang sa malalalim at mabababaw na bahagi na bahagya ang daloy ng tubig. Sa nakalipas na mga taon, ang produksiyon ng guso sa Filipinas ay bumabâ dahil sa sakit na kung tawagin ay ice-ice disease o “buhok-buhok.” (MA)

Cite this article as: guso. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/guso/