Fernando Maria Guerrero

(30 Mayo 1873–12 Hunyo 1929)

Si Fernando Maria Guerrero (Fer·nán·do Ma·rí·ya Ge·ré·ro) ay kilala rin sa mga sagisag-panulat   na  Artistipo, Augusto, Belisario, Rosas, Bellik- en, Efrain, Erasmo, Ferdy, Flavio Graco, Florestain, Flo risel, Fluvio Gil, Gil Rosas, Hector, Isagani, Kiko Kuku, Lakan-Dula, Luciano, O’Fredann, Oscar, Othello, Ra- dames, Romeo, Tristan, at Virgilio. Siyá ay isang makata, mananaysay, abogado at poligloto na naging mahalagang bahagi ng ginintuang panahon ng panitikang Español sa Filipinas mula 1890 hanggang  1940.

Isinilang noong 30 Mayo 1873 kina Lorenzo Guerrero, isang pintor at guro sa sining, at Clemencia Ramirez. Na- pangasawa niya si Carmen Estrada at nagkaroon silá ng dalawang anak; kalaunan, pinakasalan naman niya si Re- medios Entrala at nagkaroon silá ng siyam na anak, kasá- ma ang mga makatang sina Evangelina Guerrero-Zacarias at Nilda Guerrero-Barranco.

Nagtapossiyángbachillerenartesatperitomercantilsa Ateneo Municipal at ng abogasya sa Unibersidad ngSanto Tomas. Nakipaglaban siyá para sa kalayaan sa pamamagi- tan ng pagiging bahagi niya ng pahayagang rebolusyo- naryo na La Independencia; sa pagiging kapitan ng huk- bong rebolusyonaryo sa ilalim ni Heneral Antonio Luna; at sa pagiging kinatawan sa Kongresong Malolos. Naging representante siyá ng distrito ng timog Maynila sa unang Pambansang Asemblea; konsehal ng  Maynila;  kalihim ng Philippine Independence Mission at ng Senado sa il- alim ni Manuel L. Quezon. Naging editor siyá ng El Re- nacimiento at isa sa mga tagapagtatag ng LaVanguardia. Naging miyembro din siyá ng Spanish Royal Academy sa Madrid.

Tinagurian siyang Prince of Philippine Lyric Poetry. Siyá ang El Maestro sa henerasyong iyon ng mga makatang Filipino na tumugon sa kolonyalismong Americano sa pagsulat ng mga nasyonalistiko ng tula sa wikang Español. Kahit dalubhasa sa wikang Español, naniniwala siyá na ang panitikang Filipino ay maisusulat lámang sa wikang pambansa.

Ang kaniyang mga tula ay inilathala sa dalawang koleksiyon: Crisalidas noong 1914 at ang postumong Aves y flores noong 1971. Namatay siyá noong 12 Hunyo 1929. (KLL)

Cite this article as: Guerrero, Fernando Maria. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/guerrero-fernando-maria/

Related Articles