N.V.M. Gonzáles
(8 Setyembre 1915–28 Nobyembre 1999)
Si Nestor Vicente Madali Gonzales o mas kilalang N.V.M Gonzáles ay isa sa mga pinagpipitaganang prolipikong awtor ng panitikan sa wikang Ingles, propesor, at peryodista. Igi- nawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1993. Ang kaniyang mga akdang nobela, maikling kuwento, at sanaysay ay naghayag, sumalamin, at nag-ambag sa paghubog ng kultura at sensibilidad ng ating bansa sa paraang hindi madali dahil sa hiniram na dayuhang wika ang kaniyang naging kasangkapan at sa dekalibreng estilo ng prosa na bihira at kaniya lámang.
Ang kaniyang mga nailimbag na pamana sa bayan ay ang mga nobela: The Winds of April (1941); The Bamboo Dancers (1957); A Season of Grace (1974); mga kalipunan ng maikling kuwento: Seven Hills Away (1947); Children of the Ash-Covered Loam and Other Stories (1954); Look, Stranger, on this Island Now (1963);Selected Stories (1964); Mindoro and Beyond: Twenty-One Stories(1989);Bread of Saltand Other Stories (1993); at mga sanaysay: Work on the Mountain (1991); at The Novel of Justice: Selected Essays (1996). Itinanghal niya ang saysay at salaysay ng kaniyang Mindoro, ang migrante sa kaniyang pakikipagsapalaran at sakripisyo, at ang pangarap-pagpupunyagi at pag-asa sa kalikasan ng ikid ng pagsilang at pagpanaw.
Kinilala ang kaniyang galíng sa maraming parangal gaya ng Commonwealth Literary Award (1941); Re- public Award of Merit para sa Literatura (1954); Republic Cultural Heritage Award (1960); Jose Rizal Pro Patria Award (1961); Gawad Sentrong Pangkultura ng Pilipinas para sa Sining sa Literatura (1990); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng UMPIL (1991); at Gawad Diwa ng Lahi ng Lungsod Maynila (1996).
Isinilang siyá sa Romblon, Romblon noong 8 Setyembre 1915. Ang kaniyang amang si Vicente Gonzales ay superbisor ng paaralan at ang ina niyang si Pastora Madali ay guro. Napangasawa niya si Narita Manuel at mayapat siláng supling, sina Nestor Ibarra, Selma, Michael at Lakshmi. Nag-aral siya sa Mindoro mula 1927 hanggang 1930, at sa National University noong 1933, ngunit hindi siyá nagkaroon ng digri sa kolehiyo. Gayunman, nagawa niyang makapagturo sa Unibersidad ngSantoTomas,Philippine Women’s University,at sa loob ng 18 taon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagturo din siya sa Estados Unidos at nagkamit ng mga writing at travel grants .(RVR)