Gólpong Léyte
Ang Gólpong Léyte ay isang lawas ng tubig sa silangang bahagi ng isla ng Leyte sa rehiyong Silangang Kabisayaan. Karugtong nitó ang Dagat Filipinas ng Karagatang Pacifico. Pinaliligiran ito ng isla ng Samar at Kipot San Juanico sa hilaga, at isla ng Mindanao at Kipot Surigao sa timog. Pinaliligiran din ito ng isla ng Dinagat sa timog-silangan, samantalang matatagpuan ang mga pulo ng Homonhon at Suluan sa silangang bukana nitó. Ang Lungsod Tacloban ang pangunahing pantalan sa golpo.
Dahil sa mga pantalan at baybaying mainam daungan ng barko, hindi nakapagtatakáng mahalaga ang mga ito sa panahon ng digmaan. Halimbawa, naging saksi ang Golpong Leyte sa pinakamalaking labanan sa tubig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at isa sa pinakamalak- ing labanan sa tubig sa buong kasaysayan ng sangkatau- han.Satinaguriang“ Labanang Golpong Leyte” (Battleof Leyte Gulf), lubos na napinsala ang hukbong pandagat ng Japan na naging mitsa sa tuloy-tuloy nang pagbagsak ng imperyo nitó sa timog-silangang Asia. Naging saksi ang golpo sa unang organisadong paggamit ng Japan ng kamikaze, o ang kusang pagpapabagsak ng isang piloto sa kaniyang eroplanong may kargang mga bomba sa isang tiyak na target. Sa Golpong Leyte dumaong ang mga puwersang mapagpalaya ng mga Americano, at pagkatapos ay ginawang base ng mga eroplanong B-29 Superfortress na ginamit upang bombahin ang bansang Japan noong 1945. (PKJ)