gólpo

Geology, water, gulf

 

Ang gólpo ay isang malaking look, o tubigang hindi ga-nap na naliligiran ng dagat at may bungad na pinapasu-kan o nilalabasan ng tubig buhat sa katabing karagatan. Karaniwang matatagpuan sa baybayin ng isang golpo ang mga pantalan.

 

Bilang kapuluang may mahabàng baybayin, ang Filipinas ay may ilang pangunahing golpo: Golpong Albay, sa rehi-yong Bikol; pangunahing pantalan sa Lungsod Legazpi; Golpong Davao, sa rehiyong Davao; pangunahing pan-talan sa Lungsod Davao; Golpong Lagonoy, sa rehiyong Bikol; Golpong Leyte, sa rehiyong Silangang abisayaan; pangunahing pantalan sa Lungsod Tacloban; Golpong

 

Lingayen, sa rehiyong Ilocos; mga pangunahing pantalan sa mga lungsod ng Dagupan at San Fernando; Golpong Moro, sa kanlurang Mindanao; mga pangunahing panta-lan sa mga lungsod ng Zamboanga at Cotabato; Golpong Panay, sa rehiyong Kanlurang Kabisayaan; pangunahing pantalan sa Lungsod Iloilo; at Golpong Ragay, sa gitna ng Tangway Bondoc at Tangway Bicol.

 

Hindi naman maituturing na golpo ang may mas maliliit na bungad, tulad ng Look Maynila at Look Subic.

 

Dahil sa mga pantalan at baybaying mainam daungan ng barko, hindi nakapagtatakang mahalaga ang mga ito sa panahon ng digmaan. Halimbawa nitó ang pagdaong ng mga puwersang mapagpalaya ng Americano sa mga golpo ng Leyte at Lingayan noong Ikalawang Digmaang Pan-daigdig. (PKJ)

Cite this article as: gólpo. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/golpo/

Related Articles