Gínang, Ginoó, Binibíni
Ang gínang, ginoó, o binibíni ay mga tradisyonal na titulo ng paggálang o paghanga na ginagamit sa pagtawag o pagtukoy sa isang iginagálang o hinahangaang tao. Ang ginoó ay ginagamit sa isang lalaki. Ang ginang ay ipinan- tutukoy sa isang babae at may-asawa. Ang binibiní ay titulo para sa isang dalaga. Gayunman, kung hindi tiyak ang katayuang sibil ng babae, tinatawag siyáng binibiní, lalo na sa sitwasyong publiko. Malimit na inuumpisahan ang isang pormal na talumpati sa isang pagbatì ng “Mga mahal na ginoo, ginang, at binibini.”
May nakaisip ng “giníng” upang sakupin ang ginang at binibini sa isang salita, gaya ng ladies sa Ingles. Gayunman, hindi pa ito popular.
Sa Sinaunang Tagalog at maging sa kasalukuyang lipunang Bisaya, ang “ginóo” ay katawagan sa diyos at isa ding paraan ng pagkilala sa taglay na kabanalan. Kung kayâ, matatagpuan sa dasal na gaya ng “Aba Ginóong Maria” ang naturang salita.
Dinadaglat ng G. ang ginoo, Gng. ang ginang, at Bb. ang binibini at ginagamit kakabit ng pangalan ng táong tinutukoy. Halimbawa, “G. Victor de Leon,” “Gng. Alicia de Leon,” at Bb. Diana de Leon.” Naging tradisyon ding tawaging “Unang Ginang” ang asawa ng Pangulo ng Filipinas.Kamakailan, da- hil babae ang naging Pangulo ng bansa ay may nagsimu- lang tumawag na “Unang Ginoo” at katumbas ng First Gentleman sa kaniyang tao. (MJCT