(27 Agosto 1855–16 Enero 1924)
Si Licerio Geronimo (Li·sér·yo He·ró·ni·mó) ay isang rebolusyonaryong heneral at bayani ng Labanang San Mateo sa Rizal noong Digmaang Filipino-Americano. Sa naturang labanan, napatay ng kaniyang pangkat na Tiradores de la Muerte si Heneral Henry Lawton ng puwersang Americano.
Tubòng-Sampaloc, Maynila, lu- mipat ang kaniyang pamilya sa Montalban, Rizal. Sinasabing ipi- nakilála siyá ng kaniyang lolo kay Andres Bonifacio. Naging kasapi siyá ng Katipunan at itinalagang pinunò sa Wawa, Montalban. Noong 30 Agosto 1896, kasama siya sa grupong lumusob sa imbakan ng pulbura sa San Juan del Monte. Binuo niya ang kaniyang puwersa sa Mon- talban, San Mateo, at Marikina at nagsilbi sa ilalim ni Heneral Francisco Makabulos sa San Rafael, Bulacan at pagkatapos ay kay Heneral Mariano Llanera sa mga op- erasyong militar sa bayan ng San Miguel de Mayumo, Bulacan at Cabanatuan, Nueva Ecija. Kasáma din siyá sa Labanang Bundok Purog noong 1897 at tumalo sa malaking puwersang Español.
Nang mamatay si Bonifacio noong 1897, ginawa siyáng heneral ng dibisyon ng mga rebolusyonaryo ng Rizal. Noong Digmaang Filipino-Americano, itinalaga siyá ni Heneral Antonio Luna bilang komandante heneral ng ikatlong sonang militar ng Maynila. Sa Labanang San Mateo noong 19 Disyembre 1899, napatay ng grupo niya si Heneral Henry W. Lawton at 13 pang opisyal na Americano. Noong 12 Hulyo 1900, kinilala siyá ni Hen- eral Mariano Trias bilang hepe superyor ng pinagsanib na ikalawa at ikatlong mga sona ng Maynila. Matapos ang isang buwan, naging pinunòng militar siyá ng distrito ng Morong.
Nang madakip ng mga Americano si Aguinaldo noong 1901, sumuko kay Col. J Milton ftompson at sa 42nd Regiment of Infantry si Heneral Geronimo kasama ang anim na opisyal at 40 sundalo sa San Mateo. Sumumpa siyá kasama ang kaniyang grupo ng pagkilála sa Estados Unidos. Nagtrabaho siyá pagkaraan sa ilalim ng Estados Unidos bilang inspektor sa Philippine Constabulary. Ba- hagi rin siyá ng grupong tumalo kay Heneral Luciano San Miguel.
Ipinangalan sa kaniya ang isang barangay at paaralang sekundarya sa Rodriguez, Rizal at isang paaralang elementarya at kalye sa Sampaloc, Maynila. (KLL)