Francisco F. Feliciano

(19 Pebrero 1941—19 Setyembre 2104)

Isa sa mga nangununang kompositor sa Filipinas at nakilala rin sa Asia dahil sa kaniyang musikang panliturhiya. Marami rin siyang likhang pang-ballet at pang-orkestra. Iginawad sa kaniya ang Pamban- sang Alagad ng Sining sa Musika noong 2014.

Nakamit ni Felciano ang digring Batsilyer sa Musika saKomposisyon Kuenste sa Bersa Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong 1967; diplomain Music Composition sa Hochschule der Kuenste sa Berlin ,Germany; at Master of Musical Arts and Doctorate in Musical Art, Composition sa Yale University.

Isa sa pinakanatatanging obra ni Feliciano ang “La Loba” isang dulang ganap ang Habana isang adaptasyon ng nobela ni Padre Jose Burgos, na ginawa niya nang tatlong taon. Isinulat din niya ang aklat na Four Asian Con- temporary Composers: The Influence of Tradition in Their Works (1983).

Ilan sa malalaki niyang komposisyon ang “fte Transfiguration”at“Missa Mysterium” para sa malalaking orkestra at korus; ang “Yerma” nalikhang pang-ballet; ang “Pokpok Alimpako,” nanaging paboritong piyesang mga koro sa mga pandaig-digang timpalak; at ang kaniyang “Salim-bayan. Umiinog, Walang Tinag” ay ipinalabas sa New York kasabay ng ISCM Festival. Samantala ang kaniyang “Pamugun” at “Restless” ay ipinalabas naman sa Europa na itinanghal ng mga korong Filipino. Noong 1977, ipinagkaloob kay Feliciano ang John D. Rockefeller III Award in Music Composition.

Bilang isa sa nangungunang kompositor ng mga musikang panliturhiya sa Asia, nakagawa siyang higit sandaang komposisyon at karamihan dito ay inaawit sa misa, mga imno, at awit ng papuri. Bilang tagapagtatag at direktor ng Asian Institute for Liturgy and Music (AILM) at pangulo ng Samba-Likhaan Foundation: The Asian School of Music, Worship, and the Arts, makikita sa uri ng kaniyang musika ang temang pansimbahan. Pinupukaw ng kaniyang musika ang paniniwala at tradisyong Filipino.

Inanyayahan din siyang maging panauhing konduktor sa Moscow, Chicago, NewZealand, Taiwan, at Japan, at naging pangunahing konduktor ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) sa loob ng walong taon noong Dekada 80.

Bilang propesor, nagturo siya sa UP Kolehiyo ng Musika at malaki ang kaniyang naging impluwensiya sa mga sikát ding kompositor gaya ni Maestro Ryan Cayabyab. Bilang patunay sa malaki niyang pagkilala niya sa talento ng mga Filipino, tinuligsa niya ang pagkakaroon ng dayuhang principal conductor ng PPO na itinuturing na pambansang orkestra.

Ang hilig niya sa musika ay impluwensiya ng kaniyang amang si Maximo Feliciano na may-ari ng isang banda sa kanilang bayan sa Morong, rizal—ang Morriz Band. Kasama silang magkakapatid sa ensayo ng kanilang bandaat ilan sa mga instrumentong una niyang hinawakan ang piyano at klarinet. Bukod sa pagiging pinuno ng banda, tumutugtog din ng organ ang kaniyang ama sa kanilang parokya. Isang matalinong bata si Feliciano at nangarap na maging doktor ngunit nang mamatay ang ama bago siya tumuntong sa kolehiyo, siya ang pumalit sa kaniyang ama sa banda at sa mga gawain sa simbahan. Ipinanganak noong 19 Pebrero 1941, sa Morong, Rizal, at pang-apat sa siyam na magkakapatid. Namatay siya noong 19 Setyembre 2014, sa edad na 73, matapos ang mahabang panahong pakikipaglaban sa sakit na kanser. Naulila niya ang kaniyang asawang si Rebecca at ang dalawa niyang anak na sina Julette at J.J. (EGN)

Cite this article as: Feliciano, Francisco F.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/feliciano-francisco-f/