El Heraldo de la Revolucion
Ang El Heraldo de la Revolucion (El He·rál·do de la Re·vo·lu·syón) ay ang opisyal na bilingguwal at bisemanal na pahayagan ng rebolusyonaryong pamahalaan ng Republikang Malolos, ang Unang Republika ng Filipinas. Unang lumabas noong29 Setyembre 1898, ang El Heraldo de la Revolucion ay nagkaroon ng iba’t ibang pangalan mula Heraldo Filipino, naging Indice Oficial, at naging Gaceta de Filipinos. Inilathala dito ang mahahalagang pahayag at dokumentong pampolitika ng Rebolusyo- naryong Pamahalaan, tulad ng Konstitusyong Malolos ng 1899. Ang Heraldo ay ipinalimbag sa Casa Real ng Malolos.
Maliban sa pagiging limbagan, ang Casa Real ay nagka-roon na ng maraming gamit mula nang ipatayô ito noong 1580. Nagsilbi na ito bilang casa tribunal, ayuntamiento, casa presidencia municipal, opisina ng ingat-yaman, at opisina ng gobernodorsilyo sa iba’t ibang panahon. (CID)