dapdáp
Philippine Flora, trees in the Philippines, trees, medicinal plants, poem, agriculture, ecology
Ang dapdáp ay isang uri ng punongkahoy na kabilang sa pamilya ng Leguminaceae at ito ay may botanikong pan-galan na Erythrina variegata. Ito ay tumataas ng 15 hang-gang 20 metro. Ang mga bulaklak nitó ay kulay mating-kad na kahel at ang mga dahon nitó ay berde. Ang katas ng mga dahon nitó ay ginagamit upang lunasan ang ilang karamdaman tulad ng hika at ubo.
Marami pang ibang gamit ang dapdap bukod sa pagiging gamot. Ito rin ay magandang pananim. Nagsisilbi itong gapangan ng mga halaman tulad ng paminta at banilya. Ginagamit din ito sa mga taniman ng kape at kakaw at nagbibigay ng lilim sa mga pananim na nangangailangan nitó para sa magandang pagtubò. Nagsisilbi din itong tagabasag ng malalakas na hangin kayâ nagdudulot ng proteksiyon sa mga taniman. Marahil, ito ang nása isip ng lumikha ng sumusunod na tulang pambata:
Nasaan ang alitaptap? Nása punò ng dapdap. Bakit di makalipad? Balî-balî ang pakpak.
Madilim marahil ang gabi, at isang musmos ang nagha-hanap ng alitaptap. Sinagot siyá ng magulang (ng ina o ama) at sinabi na nagtatago ang alitaptap sa punò ng dap-dap dahil nasira ang pakpak at hindi maaaring lumaban sa malakas na hangin. (SAO)