dama de noche

Philippine Flora, flowers in the Philippines, flowers

 

 

Ang dama de noche (dá·ma de nó·tse) ay isang palumpong na g u m a g a p a n g paakyat, namu-mulaklak, lum-alaki nang dal-awa hanggang taltlong metro, at may mahabà at nakalaylay na mga sanga. Ang mga dahon ay pa-habâ, may walo hanggang sam-pung sentimetro, at patulis ang dulo. Marami-han ito kung mamulaklak, mga payat ang talulot, dilaw – lungtian ang kulay, at may habàng dalawa hanggang tatlong sentimetro. Gabi kung bumukad at humalimuyak ang mga bulaklak kayâ tinawag itong gayon, “binibini ng gabi.” May pangalan itong siyentipiko na Cestrum nocturnum Linn. at tina-tawag na night jasmine sa Ingles.

 

Katutubo ito sa tropikong America ngunit laganap na iti-natanim ngayon sa Filipinas dahil sa mahalimuyak na bu-laklak. May uri itong nakalalason sa hayop at nagdudulot ng lagnat at kombulsiyon. Gayunman ang katas nitó ay naigagamot laban sa spasm at epilepsi. May pag-aaral sa extracts ng Cestrum nocturnum na nagsasabing isa itong antioksidant at mabisàng pampuksa sa larva ng lamok dengge. (VSA)

Cite this article as: dama de noche. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/dama-de-noche/