Dalúyong
Novel, water, wave,, geology
Pamagat ng nobela sa Taga-log na isinulat ni Lazaro Fran-cisco ang Dalúyong. Inilabas ito bilang de-seryeng nobela sa Liwayway noong dekada 60 at isinaaklat noong 1986 ng Ateneo de Manila University Press. Tungkol ito sa pakikipa-glaban ni Lino Rivero, isang magsasaka at manggagawa, na napilitang sumapi sa rebelyong Huk sa Gitnang Luzon, dahil sa kaniyang pangarap na lu-maganap ang mga “daluyong ng pagbabago” sa kaniyang bayan, lalo na ang kailangang repormang agraryo laban sa malupit na panginoong maylupa at abusadong politiko na kumokontrol sa búhay ng kaniyang mga kababayan. Ito at ang naunang nobelang Maganda pa ang Daigdig ay pagtatanghal ni Lazaro Francisco sa malak-ing karamdamang panlipunan dahil sa pang-aapi sa mga magsasaka.
Ang dalúyong ay isang malaking along likha ng matinding hangin, lindol, o anumang lakas ng kalikásan, na itinum-bas sa salitang Ingles na “storm surge.” Ito din ay tina-tawag na “agwahe” (Español), “aluyo” (Ilokano), “buyun”
(Kapampangan), at “katad” (Tagalog). Delikado ang ma-lalaking daluyong kayâ kinakailangang lumisan ng mga nakatira sa tabing dagat kapag umaalma ang alon. Sinasa-bing nagmula sa daluyong ang pangalan ng kasalukuyang Lungsod Mandaluyong sa Metro Manila. Ibinubukod ng mga heologo ang tsunámi (mula sa wika ng Japan) dahil itinuturing na likha ng lindol sa ilalim ng dagat at higit na malakas at mapaminsala. (MJCT)