dagâ

Philippine Fauna, mouse, species, folklore

 

 

Ang dagâ ay maliit na hayop at kabilang sa ordeng Ro-dentia, ang itinuturing na pinakamalaking pangkat ng mammal, at natatangi sa pang-itaas at pang-ibabâng pares ng laging-tumutubòng ngiping pangngatngat. Sinasabing may dagâ na sa mundo 50 milyong taón na ang nakara-raan. Pinakakilaláng mga species ang itim na dagâ (Rut-tus rattus) at kayumangging dagâ (Rattus norvegicus). Ang dagâng bukid (Rattus orgentiventer) ay itinuturing hang-gang ngayon na puwedeng kainin.

 

Sinasabing may mahigit 2,050 species ang ordeng Ro-dentia. Katutubo ang mga ito sa mga lupain, maliban sa Antartica, New Zealand, at ilang islang Artiko. Gayun-man, maaaring napasok na rin ng dagâ ang mga pook na ito sa pamamagitan ng tao. Ang malaking order Rodentia ay may 27 hiwa-hiwalay na pamilya, kasáma na ang mga porcupine, beaver, squirrel, marmot, pocket gopher, at chinchilla.

 

Sa Filipinas, itinuturing na salot sa papel at damit sa ba-hay ang maliit na “dagâng dingding” o “bubuwit.” Gi-nagamit din itong bansag sa sinumang maliit ngunit ma-hilig gumawa ng gulo, gaya ng “magnanakaw na dagâng dingding.” Tinatawag din itong “kinô” sa Bikol, “dagís” sa Kapampangan, “baó” sa Iluko, “kúmpaw” sa Magin-danaw, at “káram” sa Ivatan. “Ilagâ” ito sa Ilonggo at Seb-wano, at napabalita noon dahil ginamit na pangalan ng isang pangkat ng mararahas sa Mindanao.

 

Tampok na bida ang isang daga sa kuwentong-bayan ng mga Bukidnon. Ayon sa kuwento, lubhang nabighani si daga sa awit ni kilyawan kung kayâ ibinigay niya dito ang kaniyang napakagandang kuwintas ng mga butil ng mais. Pinaalalahanan naman ni kilyawan si daga na huwag ka-lilimutan ang naturang awit kahit anong mangyari. (VSA)

 

Cite this article as: dagâ. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/daga/