Tomas Confesor
(2 Marso 1891–6 Hunyo 1951)
Si Tomas Confesor (To·más Kon·fe·sór) ay politiko, mambabatas, lider ng mga gerilya, at patriyota. Nagsulong siyá ng mga batas para sa mga magsasaka at naging mahalagang tinig laban sa nagaganap na anomalya sa pamahalaan. Ipinagtanggol niya ang Iloilo sa pananakop ng mga Japanese.
Isinilang siyá noong 2 Marso 1891sa Cabatuan, Iloilo kina Julian Confesor at Prospera Valenzuela. Nag-aral siyá sa Iloilo High School noong 1908. Nagpunta siyá sa Estados Unidos at namasukan bilang janitor upang matustusan ang sarili para sa kolehiyo. Nakatapos siyá ng mga batsilyer sa Komersiyo sa University of California at Pilosopiya ng Ekonomiya sa University of Chicago.
Nang magbalik sa dad na Americano bilang school supervisor sa Jaro, Iloilo. Noong 1922 naging kinatawan siya ng ikatlong distrito ng Iloilo sa Philippine Assembly. Kilalá siyá sa kaniyang pagpuna sa nagaganap na anomalyabansa, itinalaga siyá ng mga awtori-sa administrasyon. Dahil dito, nakuha niya ang tiwala ng mga Ilonggo at muling nahalal sa puwesto. Bilang mambabatas, naging isponsor siyá ng Act 3425 o ang Cooperatives Marketing Law na naglalayong payabungin ang kooperatiba sa Filipinas, partikular ang kooperatiba ng mga magsasaka.
Noong 1933, itinalaga siyá ni Gob. Hen. fteodore Roosevelt Jr bilang unang Filipino na direktor ng komersiyo. Sa administrasyon ni Presidente Manuel Quezon, ginawa siyáng pinunò ng National Cooperatives Administration. Pinasimulan niya ang pagbuo ng mga grupong tutulong sa pinansiya ng mga magsasaka upang hindi umasa ang mga ito sa mapagmalabis na mga negosyante at usurero.
Nasa ikalawang termino siya bilang gobernador ng Iloilo nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hinikayat siyáng magsilbi sa gobyernong papet ngunit tinanggihan niya ito. Umalis siyá sa Maynila at bumalik sa kaniyang bayan. Bumuo siya ng isang lihim na kilusan laban sa mga Japanese at naging lider ng mga gerilya.
Pinarangalan siya ni Presidente Sergio Osmeña ng legion of honor, degree of commander noong 1945 dahil sa kaniyang kabayanihan noong digmaan. Nang maibalik ang kaayusan sa bansa, ginawa siyang Kalihim Panloob noong 8 Abril 1945. Nahalal din siyá bilang senador noong 1946. Sa kasamaang palad, hindi niya natapos ang kaniyang termino dahil sa atake sa puso noong 6 Hunyo 1951. (KLL)