Centro Escolar University
Ang Centro Escolar University (Sén·tro Es·ko·lár Yu·ni·vér·si·tí) o CEU ay isang pribadong unibersidad na ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa Lungsod Maynila. Itinatag ito noong 3 Hunyo 1907 nina Librada Avelino at Carmen de Luna bilang Centro Escolar de Señoritas. Hangad ng dalawa ang pa-glago ng isang paaralan para sa lahat ng larang ng sining at agham, isang paaralan para sa makabayang edukasyon ng mga babaeng Filipino.
Unang itinatag ang kolehiyo ng parmasya, na sinundan ng sining liberal, edukasyon, at dentistri. Naging ganap na unibersidad ang CEU noong 1933. Sa kasalukuyan, kilalá ang CEU para sa kalakasan ng mga programa nitóng may kinalaman sa kalusugan. Mayroon itong mga kampus sa Mendiola, Maynila; Malolos, Bulacan; at Gil Puyat at Legazpi Village sa Makati.
Ilan sa mga natatanging nagtapos sa CEU ay sina Concepcion Aguila (Master of Laws 1926), ang unang babaeng nagkamit ng doktorado sa Georgetown University; Minerva G. Laudico (Bachelor of Science in Social Works 1930), ang unang kinatawan ng sektor ng kababaihan sa Kongreso ng Filipinas; Carmen Velasquez (hayiskul 1931), Pambansang Alagad ng Agham; at Fidel V. Ramos (hays-ikul 1930), Pangulo ng Filipinas. (PKJ)