Camiguin

Island, Mindanao, Camiguin, volcano,

Ang Camiguin (Ka·mí·gin) ay isang pulông bulubun-dukin sa dakong timog ng Dagat Mindanao. Matatag-puan ito sa hilaga ng Misamis Oriental at sa timog ng pulô ng Bohol. Karatig nitó ang mga look ng Macalajar at Gingoog sa Mindanao. Ito ang pangalawa sa pinakamaliit na lalawigan batay sa populasyon at kalupaan. Mayroon lámang itong limang bayan: Ginsiliban, Catarman, Sagay, Mahinog, at Mambajao. Ang pinakamalaking bayan ay ang Mambajao na siyá ring kabisera ng lalawigan.

Ang pangalang Camiguin ay nagmula diumano sa katutubong salitâng “kamagong”, isang maitim at matigas na punong-kahoy. Ang mga unang nanirahan dito ay ang mga Manobo. Ang isla ay nabuo mula sa pagsa-bog ng mga bulkan. Ang Bulkang Hibok-Hibok ang huling bulkang pumutok dito noong 1953, na nananatiling isang aktibong bulkan. Makikita rin sa pulo ang iba pang mga bulkan, gaya ng Bundok Vulcan na may 671 metrong taas sa hilagang-kanluran ng Bulkang Hibok-Hibok, ang Bulkang Mambajao (1,552 metro) na nása gitnang Camiguin, ang Bulkang Guinsiliban (581 metro) sa dulong timog ng pulo, at ang Bulkang Butay na nása hilaga ng Bulkang Ginsiliban. Makikita rin dito ang mga simboryo ng Gulod Campana, Gulod Minokol, Gulod Tres Marias, Bulkang Carling, Bulkang Tibane, at ang Gulod Piyakong. Ang mga ma-mamayan dito ay nabubuhay sa pangingisda at pagsasaka. Kopra ang pangunahing pinanggagalingan ng malaking kita ng lalawigan, ngunit kilalá rin ito sa mga produktong abaka, mangga, at lansones.

Kabilang sa mga tanawing panturismo na makikita dito ay ang matandang simbahan ng Santo Rosario sa bayan ng Sagay, ang simbahan ng Baylao, at ang simbahan ng Guiob sa bayan ng Catarman, na natabunan nang pu-mutok ang Vulcan mula 1871 hanggang 1875. Tanging ang nasirang simbahan at kampanaryo nitó ang natira sa bayan ng Catarman. Ang mga sinauna at matatandang bahay na mula pa sa panahon ng kolonyalismong Espa-ñol at Americano ay nanatiling nakatayô at makikita sa kahabaan ng mga kalsada ng Camiguin. May dalawang magandang maliit na pulo dito, ang White Island at Man-tigue Island. Magandang pasyalan din ang Talong Katibawasan at Talong Tuasan. Makikita naman sa bayan ng Bonbon ang itinayông malaking krus noong 1982 bilang pag-alala sa lumubog na sementeryo ng bayan, ang Sunk-en Cemetery. (AMP)

Cite this article as: Camiguin. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/camiguin/