Cabeza de Barangay
Ang cabeza de barangay (ka·bé·sa de ba·ra·ngáy) ang pi- nuno ng baryo noong panahon ng Español na humalili sa mga pinunòng datu at katumbas ngayon ng posisyong kapitan ng barangay. Ang pinunòng ito ay maaari lámangmagmula sa mga prinsi- palya o mag-anak ng mga datu at mayayamang pam- ilyang mestisong Chino at Español.
Ang mga cabeza de baran- gay ang pangunahing tag- apamahala sa mga nayon, tagakolekta ng mga buwis at tributo, at tagatipon ng mga polista o trabahador mula sa mga karaniwang tao para sa pamahalaang Español. Siya rin ang tang- ing nakalalahok sa pagha- lal ng gobernadorsilyo o pinunò ng bayan noong siglo 19.
Bilang kapalit sa kaniyang katapatan at paninilbihan sa pamahalaang Español, binibigyan ang cabeza de barangay ng mga pribilehiyo gaya ng paggamit ng titulong “Don,” ang hindi pagbabayad ng tributo o buwis ng kaniyang pamilya, at ang pagiging malaya niyá at ng kaniyang mga anak na lalaki sa sapilitang paggawâ o “polo y servicio.” Ang termino ng isang cabeza de barangay ay hindi ba- baba sa tatlong taon ngunit maaari niyang matamasa nang panghabambuhay ang mga nasabing pribilehiyo kung siyá ay makapagsisilbi sa pamahalaang Español nang hindi ba- baba sa sampung taon. (MBL)