Martin Cabagnot
(–namatay 24 Setyembre 1971)
Isa sa mga pinunò ng hukbong Boholano laban sa mga Americano si Kapitán Martín Cabágnot (Mar·tín Ka·bág·not) at kinikilálang bayani ng Labanáng Pásong Kabantìan.
Walang karanasang militar si Martin ngunit isa siyáng edukado. Mahusay din siyá ng arnis, lalo na ang tinatawag na “dose pares” sa Bohol, at marahil ito ang pinagkukunan ng kaniyang husay sa taktika sa pakikipaglaban. Napatu- nayan ang kaniyang pamumunò sa Labanáng Pásong Ka- bantìan noong 15 Setyembre 1900.
Noong umaga ng 14 Setyembre, nakatanggap ng mensahe si Kapitan Cabagnot na aalis ng Jagna papuntang Ubay ang isang pangkat ng mga Americano sa ilalim ni Kapitan Andres S. Rowan. Naisip ni Kapitan Cabagnot, magdada- an ang mga kaaway sa Pasong Kabantian, isang makitid nadaang 100 metro ang habà, tatlong metro ang luwang, at nababakod ng matataas na talampas. Umaga pa lámang ng 15 Setyembre ay nag-abang na sa Pasong Kabantian ang 200 pulu- tong ni Kapitan Cabagnot. Naglagay din silá ng lubid na ipanghaharang sa mga kaaway.
Dumating ang mga Americano sa bandang ikatlo ng há- pon. Tulad ng plano, pinapasok ang mga kaaway sa páso at saká lumitaw ang tatlong Boholano bilang pain. Nang magpaputok ang mga Americano ay hinatak ni Kapitan Cabagnot ang lubid. Nabigla ang mga Americano pagda- gsa ng mga lumuksong Boholano at may mga hawak na tabak. Natapos ang labanan bandang ikapitó ng gabi nang iwan ng mga Boholano ang mga patay o sugatang mga Americano. Labing-anim sa pangkat ni Kapitan Cabagnot ang namatay, 76 ang sugatan, ngunit nakasamsam silá ng 25 baril at mga kahon ng punglo. Ang Labanang Pasong Kabantian ang ikalawang matinding pagkatálo ng mga Americano bago napasuko ang mga gerilyang Boholano.
Sumuko si Kapitan Cabagnot kasáma ni Koronel Samson noong 1901.
Nagtira siyá sa Sevilla at nagsaka. Di-nagtagal, lumuwas siyá ng Maynila upang mag-aral ng abogasya. Hindi siyá nakatapos. Sa halip, nagpunta siyá sa India, nag-aral ng pagmamasahe at hipnotismo, at nagbukás ng klinika sa Bohol. Hindi kumita ang kaniyang klinika kayâ nag- potograpo naman siyá. Namatay siyá noong 24 Setyembre 1971 sa Tagbilaran at inilibing sa Sevilla. (GVS)