búwot

Philippine Fauna, mammal, endemic species, traditional medicine, cloud rat

Ang búwot o tinatawag na cloudrat sa Ingles ay isang natatanging hayop na ka-hawig ng daga at makikita lámang sa Filipinas. Kadalasang makikita ang mga ito sa kagubatan at bundok, nakatira sa itaas ng punon-gkahoy, at kadalasang gi-síng sa gabi. Ang makikita sa Cagayan ay may genus na Phloeomys cumingi. May dalawa pang genus na makikita sa ibang parte ng bansa at ito ay ang Crateromys at Carpomys. Ang Phloeomys cumingi ay katutubo sa Filipinas at unang nakolekta sa Luzon ni Cuming noong 1839. Nakita rin ito sa Marinduque, Mindoro, at Catanduanes at tinatawag ding bigkoon, parout, parret, at alimaong.

Ang buwot ng Cagayan ay tinatawag na “Northern Luzon slender-tailed cloudrat” ngunit matatagpuan din sa ilang bahagi ng Gitnang Luzon. Ito ay may mas maputîng kulay ng balahibo kompara sa ibang cloudrat na makikita sa ibang bahagi ng Filipinas.

Naibubukod ang karaniwang buwot sa ibang daga dahil maikli ang nguso, natatakpan ng mahabàng balahibo ang labas ng mga tainga, at magaspang ang balahibo sa ka-tawan. Gayunman, ang genus pallidus ay higit na malaki sa karaniwan at higit na malambot ang balahibo sa katawan. Ang buwot ay karaniwang may buntot na mas maikli kaysa ulo at katawan. Malalaki at nakabuka ang mga paa nitó, at may mahahabàng kuko sa unahang paa. Ang habà ng ulo at katawan ay humigit-kumulang sa 440–482.6 mm.

Nakakain ang buwot at kayâ binibitag ito para ulamin ang karne, lalo na sa mga lugar na walang alagang hayop. May paniwala sa ilang pook na ang tubig na nilagyan ng balahibo nitó ay lunas sa sakít ng tiyan. (ELBJR)

Cite this article as: búwot. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/buwot/