Bundók Púlag
Geology, mountain, Luzon, protected area
Ang Bundók Púlag ang ikatlong pinakamataas na tuktok sa Filipinas, at pinakamataas sa isla ng Luzon. Matatag-puan ito sa kabundukan ng Cordillera, sa pagkikita ng mga hanggahan ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya. May taas itong 2,922 m. Klasipikado ito bílang isang ultra prominent peak.
Bílang paboritong akyatin ng mga mountaineer, may apat na landas patungo sa tuktok: ang Ambangeg, Akiki, at Tawangan Trail mula sa Benguet; at ang Ambaguio Trail mula sa Nueva Vizcaya. Maaaring matanaw mula sa rurok ang kalakhan ng Hilagang Luzon.
Ipinahayag ang isang bahagi ng Pulag bí-lang Pambansang Parke noong 1987 upang mapangalagaan ito laban sa pagtotroso, pangangaso, pagsakop ng agrikultura, at pagdagsa ng turista. Matatagpuan sa bundok ang isa sa pinakamayamang biodiversity sa bansa, at naninirahan dito ang ilang nangan-ganib na uri ng hayop. Matatagpuan din sa bundok, sa bayan ng Kabayan, Benguet, ang mahigit-kumulang 50 libingang-yungib ng mga sinaunang Ibaloy. Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 734, ang mga kuweba ay kinikilálang mga Pambansang Yamang Kultural. (PKJ)