Bundók Halcon
Geology, Mountain, Mindoro, Indigenous People
Ang Bundók Halcon (Hal·kón) ang isa sa pinakamataas na tuktok sa Filipinas. Matatagpuan ito sa bayan ng Baco sa Oriental Mindoro, sa kabundukang naghihiwalay sa dalawang lalawigan sa pulo. May taas itong 2586 m, at ang palagiang pag-ulan at biglaang pagbahâ ay nagsa-sanib upang ituring ng mga mountain-eer ang Halcon bí-lang pinakamahirap akyating bundok sa buong bansa. Klasipikado ito bílang isang ultra promi-nent peak.
Ilang dantaon nang tahanan ng mga Mangyan ang mga dalisdis at kaligiran ng bundok, na tinatawag niláng ”Lagpas-Ulap.” Sa maaliwalas na panahon, maaaring matanaw ang mga bundok ng Banahaw, Macu-lot, at Mayon mula sa tuktok ng Halcon. Matatagpuan sa bundok ang ilang eksotikong halaman at hayop, tulad ng nanganganib na uri ng ibong “kulo-kulo” o Mindoro bleeding-heart. (PKJ)