Bundók Guiting-Guiting
Geology, Mountain, Romblon, Mimaropa,
Matatagpuan ang Bundók Guiting-Guiting (Gí·ting-Gí·ting) sa pulo ng Sibuyan, ang ikalawang pinakamalak-ing isla sa lalawigan ng Romblon. May taas itong 2,058 metro. Ipinahayag ito bilang isang Likas na Parke (Natural Park) noong 1996, at ang parke ay may lawak na 15, 265.48 ektarya.
Tumutukoy ang panga-lan ng bundok sa tagaytay nitóng malangipin ng lagari. Sakatunayan, itinuturing ng mga mountaineer ang Guiting-Guiting bilang isa sa tatlong pinakamahirap akyating tuktok sa bansa, kasáma ang Halcon sa Mindoro at Mantalingajan sa Palawan. Una itong naakyat noong 1982. Binigyan ito ng palayaw na “G2” ng mga mamumundok.
Sinasabing ang kagubatan ng Guiting-Guiting ang isa sa mga natatangi at pinakamayaman sa mga uri ng búhay sa Filipinas, kundi man sa buong mundo. Hindi ito na-kapagtataká dahil tinagurian ang isla ng Sibuyan ng ilang lokal at dayuhang mananaliksik bilang “Galapagos ng Asia”; mula nang ito ay mabuo, hindi naging karugtong ng Sibuyan ang anumang bahagi ng kapuluan ng Filipi-nas. Matatagpuan din sa isla ang isa pang bundok, ang Nailog, na may taas na 789 metro. (PKJ)