Warning: Use of undefined constant setting - assumed 'setting' (this will throw an Error in a future version of PHP) in /home/hqe0tu85kswo/public_html/wp-content/plugins/cite/cite.php on line 105

Bundók Dáta

Geology, Mountain, Luzon, Benguet, biodiversity, endemic species, peace treaty, CPLA, Corazon Aquino

Matatagpuan ang Bundók Dáta sa kabundukan ng Cor-dillera, mahigit- kumulang 50 km mula sa Lungsod Bagu-io sa hanggahan ng mga lalawigan ng Benguet at Moun-tain Province. May taas itong 2,310 m. Ipinahayag itong Pambansang Parke noong 1936 at may lawak na 5,512 ektarya.

Kilalá ang bundok at ka-ligiran nitó sa mataas na antas ng saribúhay (bio-diversity). Dito lámang matatagpuan ang ilang hayop, tulad ng white-bellied Luzon tree rat (Carpomys phaeurus), short-footed Luzon tree rat o greater dwarf cloud rat (Carpomys melanu-rus), at Whitehead’s swiftlet (Aerodramus whiteheadi). Tulad sa ibang bahagi ng Cordil-lera, malamig ang klima at hitik sa punòng pino ang tanawin.

Noong 13 Setyembre 1986, nilagdaan ang tinatawag na “Kasunduang Bundok Data” (Mount Data Agreement/ Accord) sa Mt. Data Hotel sa bayan ng Bauko, Mountain Province ng pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino at ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) na pina-mumunuan ni Conrado Balweg. (PKJ)

Cite this article as: Bundók Dáta. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bundok-data/