Bundók Banáhaw
Geology, Mountain, volcano, Luzon, mythology, Philippine Mythology, Calabarzon, Laguna, Quezon, folklore
Ang Bundók Banáhaw ay isang dáting bulkan na matatagpuan sa gitna ng mga probinsiya ng Laguna at Quezon. Ito ay itinuturing na pinakamataas na bundok sa Rehiyon IV-A (CAL-ABARZON). Tinatawag ang bundok na ito na “Banal na Bundok” at naging popular na pasyalan ng mga pilgrims at turista lalong-lalo na ang mga táong may interes sa pag-akyat ng bundok.
Ang Banahaw ay isang lugar na pi-noprotektahan sa Filipinas simula pa noong 1941. Tinatawag na itong Bundok Banahaw- San Cristobal Protected Landscape. Maraming tuktok ang Bundok Banahaw tulad ng sa Bundok San Cristobal, Bundok Banahaw de Lucban, Buho Masalakot Domes, at Bundok Mayabobo. Ang pinakamataas na tuktok ng Bundok Banahaw ay umaabot sa 2,170 metro. Bahagi ng katangiang pisikal ng Bundok Banahaw ay ang taas nitó na umaabot sa 2,158 metro.
Itinuturing ng mga residenteng nakatira malapit sa Bundok Banahaw na isa itong banal na pook at ang mga tubig na umaagos sa mga sapa ay tinatawag nilang “holy water.” Ang salitâng Banahaw ay maaaring mula sa sinaunang Tagalog na “banhaw.” Gayunman, may balbal na interpretasyong mula ito sa “banal” at “daw.” Noon pang panahon ng Español ay pinananahanan na ito ng mga sektang panrelihiyon na hindi kinikilalá ng Simbahang Katoliko. May paniwala din na tahanan ito ng diwatang Mariang Banahaw, isa sa tatlong popular na diwata ng mga Tagalog, kasáma nina diwatang Mariang Makiling at Mariang Sinukuan. (VSA)