Bulubundúking Caraballo
Geology, Mountain Range, mountain, Luzon, Cordillera, Indigenous People, Sierra Madre, ethnolinguistic groups, Cagayan River, river
Ang Bulubundúking Caraballo (Ka·ra·bál·yo) ang isa sa pangunahing kabundukan sa Filipinas. Matatagpuan sa gitnang bahagi ng Luzon, umaabot sa mahigit-kumulang 1600 metro ang taas nitó. Dito nagkikita ang mga Bulubunduking Cordillera at Bulubunduking Sierra Madre sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya. Ibinubukod nitó ang Lambak Cagayan mula sa Kapatagang Gitnang Luzon.
Sa Caraballo nagsisimula ang Ilog Cagayan, ang pinaka-mahabà at pinakamalaking ilog sa Filipinas na nagsisilbing ilog ng búhay para sa buong Rehi-yong Cagayan (Rehi-yon II). Natatakpan ng kagubatan ang kabundukang ito at hindi pa gaanong napapasok ng kabihasnan. Itinuturing itong tahanan ng pangkat etnolingguwistiko na mga Ilongot. (PKJ)