Bulkáng Mayón
Geology, volcano, mountain, volcanoes, earthquake, Pacific Ring of Fire, magma, active volcano, Mayon
Kilalá sa kahanga-hangang halos perpektong hugis apa ang Bulkáng Mayón . Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Albay at may 300 kilometro sa timog-silangan ng Maynila. Ang Bulkang Mayon ang pangunahing halina ng rehiyong Bikol. Ito ay may taas na mahigit 2,462 metro mula sa ibabaw ng dagat at may lawak na 314.1 kilometro kuwadrado na su-masakop sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Sto. Domingo. Ang Bulkang Mayon ay isang kompositong bulkan at nabuo sa pamamagitan ng pagkakapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Ang pangalan ng Bulkang Mayon ay halaw sa maalamat na kuwento ni Daragang Magayon.
Sa nakalipas na 400 taón, ito ay nagkaroon ng 47 beses na pagputok. Ang unang naitalâng pagputok ng bul-kan ay noong 1616. Noong 1 Pebrero 1814, naitalâ sa kasaysayan ang pinakamabagsik na pagsabog nitó nang matabunan ng lahar at lava ang buong bayan ng Cagsawa, Camalig, at Budiao at may 1,200 mamamayan ang sinasa-bing namatay, samantalang gumuho naman ang kalahati ng Guinobatan. Nagsisilbing palatandaan ng nalibing na mga bayan ang kampanaryo ng simbahan ng Cagsawa na matatagpuan sa Barangay Busay sa munisipalidad ng Da-raga, Albay. Noong 23 Hunyo 1897, naitalâ ang pinaka-matagal na pagsabog ng bulkan na umabot ng pitóng araw na walang tigil sa paglabas ng apoy at lava. Ang hulíng malakas na pagsabog nitó ay noong 1993 at 77 katao ang namatay dahil sa ibinugang mainit na abo nitó. Ang pinakahulíng pagsabog ng bul-kan ay naganap noong 24 Pebrero hanggang 7 Marso 2000. (AMP)