bulkán

Geology, volcano, mountain, volcanoes, earthquake, Pacific Ring of Fire, magma, active volcano, dormant volcano

Ang bulkán ay nakabukás na bibig o lamat sa rabaw ng planetang Lupa (o ng iba pang planeta) at nagpa-pahintulot sa pa-glabas ng mainit na magma, abó, at usok mula sa ilalim ng lupa. Ang pan-galan ay mula sa Español na volcan (volcano sa Ingles) at ipinangalan sa diyos na si Vulcan ng mitolohiyang Romano. Malimit na itinuturing lá-

mang itong “bundok” sa sinaunang Filipinas. Malimit ding larawan ng bulkan ang isang bundok hugis kono at nagbubuga ng kumukulong putik at usok mula sa bun-ganga o kreyter ng tuktok nitó.

Totoo namang marami sa aktibong bulkan noon at ngay-on ang matayog at may “kónong bulkánikó.” Ngunit marami ring bulkan na nása ilalim ng dagat o “bulkáng submaríno.” May tatlong uri din ang bulkan sang-ayon sa kalagayan: ang aktibo, na may mga ulat ng pagsabog; ang “natutúlog” (“dormant”) o matagal nang di-sumasabog ngunit may panganib na muling maging aktibo; at ang “patay na” (“extinct”) o ipinalalagay ng mga siyentista na wala nang kakayahang pumutok dahil wala nang suplay ng magma.

Sa kalahatan, ang bulkan ay matatagpuan sa pook ng pag-dudugtong o paghihiwalay ng mga platong tektoniko ng planeta. May bulkan sa gayon na dulot ng subduksiyon o pagbabangga ng isang platong karagatan at isang platong kontinental. Napapailalim ang platong karagatan at na-kalilikha ng magma, isang mainit na sustansiya na kapag nakarating sa rabaw ng dagat ay nakahuhubog ng bulkan.

Mapanganib ang pagputok ng bulkan dahil sa mga ibi-nubuga nitóng lava, mga bagay na payroklastik, lahar, at abó. Ang “lava” ay mahabàng daloy ng nagbabágang bato. Ang “lahár” (isang salitâng Indones) ay malaganap na daloy ng mainit na putik at ibang bagay na payrokla-stik. Ang usok at abó ay maaaring magpadilim sa himpa-pawid. Isa pang panganib ang “tsunami” (isang salitâng Hapones), ang higanteng daluyong ng alon na umaabot sa malayò at bunga ng lindol at pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat.

Maraming bulkan sa Filipinas dahil nakaupô ito sa tag-puan ng mga subduktibong plato. Ilan sa tanyag at akti-bong bulkan sa bansa ang Bulkang Mayon, Bulkang Taal, Bulkang Kanlaon, at Bulkang Hibok-Hibok. Niyanig ang buong mundo ng biglang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991. (VSA)

Cite this article as: bulkán. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bulkan/