bulé
Philippine Flora, palm, plants, tuba, palm wine, cooking ingredients, crafts, handicrafts, building materials, architecture
Ang bulé (Corypha elata), binabaybay ding “bulí” o pa-Español na “búri,” ay isang uri ng palma na nakukuhanan ng himaymay na buntal at may bungang nakakain. Kabi-lang ito sa pamilyang Arecaceaea na kilalá rin sa tawag na Palmae, at genus na Corypha o fan palms. Ang bulé ay itinuturing na pinakamalaking palma sa buong Filipinas. Ang katawan nitó ay nakatayô nang tuwid, may diyamet-ro na aabot hanggang isang metro, at taas na 20 metro.
Ang dahon naman nitó ay malalapad, hugis-pamaypay, pabilog, may habàng tatlong metro; mayroong 100 lan-ceolates na matutulis at may lapad na isa hanggang anim na sentimetro; may palapà na aabot sa tatlong metro ang habà at 20 sentimetro ang kapal. Ang mga bulaklak ng bule ay may diyametro na anim na milimetro. Ang mga bilóg na bunga naman nitó ay may diyametrong 2.5 sen-timetro at ang mga butong taglay ay matitigas at may di-yametrong 1.5 sentimetro.
Marami ang pakinabang ng bule. Nakakukuha ng tubâ, alkohol, sirup, at asukal mula rito. Mapagkukuhanan ng gawgaw ang katawan hábang ginagawang salad o gulay ang ubod. Ang laman ng mga bunga nitó ay maaaring kainin. Ang mga buto ay maaaring gamitin sa paggawa ng kuwintas at botones. Ang mga petiole ay napagkuku-hanan ng buntal fiber na ginagawang sombrero at kung minsan ay lubid.
Ang mga dahon naman ay gi-nagamit na pam-balot at pantali ng sampaldong dahon ng tabako at pawid na pan-dingding o pam-bubong ng kubo. Ang palapà ay gi-nagawang walis.
Matatagpuan ito sa halos lahat ng parte ng Filipinas, kadalasan sa mga isla at lalawigan na may mababàng altitud. Makikita rin ito sa ilang bansa sa Timog-Silangang Asia. (KLL)