bulalákaw

Astronomy, meteor, meteorite, meteoroid

Maliliit na partikulo sa loob ng sistemang solar ang bulalákaw at nahuhúli ng paningin sa gabi at kapag nagdulot ng biglang kislap ang pagpasok nitó sa atmo-spera ng Lupa. Malimit na ipinantutukoy din ito sa tila buntot ng liwanag na gumuguhit sa langit at tulad ng nabanggit na ay bunga ng pagkiskis ng partikulo sa atmospera. Tinatawag din itong “taeng-bituin.” Bahagi ng pinag-aaralan ng mga arkeologo ang koleksiyon ng mga piraso ng bulalakaw na nagtagpuan noon sa Lam-bak Cagayan.

Isang malaganap na paniwala ang pagtingala sa langit kung gabi upang mag-abang ng bulalakaw. Alinsunod sa paniwala, matutupad ang anumang hilingin kapag naisip o nabigkas ito bago maglahò ang kislap ng bulalákaw. Nagiging laro ito ng paligsahan at paliksihan ng paningin sa panig ng mga musmos. Paramihan ng natatanaw na bulalákaw. Isang romansa naman ito ng magkasintahan upang humiling ng magandang hinaha-rap sa kanilang pag-ibig. (EGN)

Cite this article as: bulalákaw. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bulalakaw/