bulaklákan
dances, traditional dances
Ang bulaklákan ay tawag sa isang tradisyonal at masayáng sayaw at sa Ang sayaw na bulaklákan ay nagmula sa Katagalugan at bahagi ng “Flóres de Máyo.” Sa ilang lugar, sa halip na “Santakrúsan” o prusisyon, ay nagtatapos ang pagdiriwang sa isang kasayahan sa bahay ng hermana mayor. Sa pagkakataóng ito sinasayaw ang bulaklakan. Ang mga dalagang kalahok sa sayaw ay may hawak na balantok o girnalda na nahihiyasan ng mga dahon at bulaklak. Iginagapos ng alambre ang mga bulaklak upang hindi malaglag sa balantok na yantok o kawayan hábang ikinukunday ng nagsasayaw.
Ang larong bulaklákan ay isang baryasyon sa “huwégo de prénda.” Mga binata’t dalaga ang karaniwang kalahok. Tinawag itong “bulaklakan” dahil pangalan ng mga bulaklak ang ginagamit ng mga babaeng kalahok sa laro. (VSA)