Bud Tumatangis
Ang Bud Tumatángis ang pinakamataas na bundok sa Jolo. Nása hilagang-kanluran ito ng isla at may taas na 882 metro. “Bundok ng Luha” ang ibig sabihin nitó, dahil ito diumano ang hulíng natatanaw ng sinumang Joloano na umalis ng kaniyang bayan. Napapaiyak siyá sa lung- kot hábang naglalahò sa paningin ang tuktok ng bundok. Bagaman, sinasabi ring ito naman ang sanhi ng kaniyang mga luha ng tuwa pag-uwi at matanaw ang bundok ng kaniyang bayan.
Isang natural na kuta din ito ng pagtatanggol laban sa pananakop. Nagtayô dito ng kuta si Raha Bongsu upang magtanggol laban sa salakay ng mga Español. Dito inilib- ing si Abubakar, ang unang sultan ng Sulu, at makikita pa sa bundok ang tumba-monumento na may inukit na mga titulong parangal sa kaniyang pamumunò. (VSA)