Bud Bagsak
Ang Bud Bagsák o Labanang Bud Bagsák ay naganap dahil sa pag-aalsa ng mga Moro sa panahon ng Digmaang Filipino-Americano, at naganap mula 11–15 Hunyo 1913. Nagkuta ang mga nag-alsang Moro sa ituktok ng Bundok Bagsak na siyáng pinagmulan ng pangalan ng makasaysayang pangyayaring ito. Noon pang panahon ng mga Español, namumundok na ang ayaw pasakop at tinawag ng mga mananakop na “remontádo.” Nagpatu- loy ito hanggang sa pananakop ng mga Americano at bi- nansagan siláng bandido.
Pinamunuan ni Heneral John “Black Jack” Pershing ang pangkat ng mga Americano na umatake sa mga Moro. Nagsimula ito sa pagpapasabog ng maliliit na kutang nakapalibot sa pangunahing kuta sa Bagsak. Armado na- man ng kris, bolo, sibat, at ilang baril ang mga Morong pinamunuan naman ni Datu Amil, na nagmula sa tribung Lati. Nauna siláng pumunta sa bundok nang pumasok sa distrito ng Lati ang hukbong Americano at nabigô ang mga diyalogong pangkapayapaan. Umaabot umano sa anim na libong katutubo ang nanirahan sa bundok kasá- ma ang mga batà at kababaihan, at maraming iba pang hindi armado.
Pagkatapos ng apat na araw na labanan, nása 500 Moro ang napaslang, samanta- lang 27 naman ang namatay sa panig ng mga Americano. Umani ng matind- ing batikos ang pang- yayari at itinuring ng ilang historyador bi- lang masaker sa halip na isang labanan. Sa bandáng hulí, naim- pluwensiyahan ng pangyayari sa Bud Bagsak ang pagtigil ng ilang pakikipa- glaban ng mga Moro noong panahon ng kolonyalismong Americano. Gayunman, kinikilála pa rin ang Labanan sa Bud Bagsák bilang tanda ng kagitingan at tapang ng mga Moro, at ng kanilang mahalagang papel sa pagpapalaya ng bayan. (ECS)