Biyóla
games, traditional games, childhood
Ang biyóla ay laro ng kalalakihan na lumuluksó ang lider sa nakayukong tayâ, at pumapalit na tayâ ang sinumang susunod ng lukso kung hindi niya magaya ang lider o kung sumayad ang paa niya sa tayâ. Unti-unting itinataas ng tayâ ang sarili habang matagumpay siyáng naluluksuhan ng mga kalaro. Tinatawag din itong biyola-kamatis. Tinatawag naman itong pinnalagtô ng mga Ilokano.
Isa ang biyola-kamatis sa mga laro ng kaniyang kabataan na inalala ng manunulat na si Rene O. Villanueva na higit na nakilála sa kaniyang mga aklat at akdang pambatà. Kahawig ang biyóla ng luksong-báka, isang larong pambatà na tumatalon ang bawat kasali nang hindi nakakanti o nagagalaw ang niluluksuhan. (ECS)