Biyak-na-Bato
Matatagpuan sa bayan ng San Miguel, Bulacan, ang Bi- yák-na-Bató ay bahagi ng bulubunduking Sierra Madre. Nagmula ang pangalan sa pangyayaring dinadaanan ito ng isang ilog at may mga yungib sa magkabilâng panig na mabato. Sa panahon ng Himagsikang 1896, kaagad itong nagsilbing pugad ng mga Katipunero ng San Miguel at mga karatig bayan.
Noong Hunyo1897, nakarating sa Biyak-na-Bato ang hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo na umiiwas mula sa Cavite na magipit ng mga Español. Nagandahan si Agui- naldo sa silbing pangmilitar ng pook at ipinasiyang ilipat dito ang kaniyang himpilan. Noong 1 Nobyembre, itina- tag niya ang isang pamahalaang tinatawag ngayong Republikáng Biyák-na-Bató batay sa isang konstitusyong binalangkas nina Isabelo Artacho at Felix Ferrer. Nakasaad sa saligang-batas ang patuloy na pagpapalaya sa Filipinas mula sa mga mananakop.
Hindi napasok ng hukbong Español ang Biyák-na-Bató. Gayunman, noong Disyembre, isang kasunduan tungo sa pagtigil ng paglalaban ang naisulong sa pamamagitan ni Pedro Paterno. Pinirmahan ni Gobernador-Heneral Fer- nando Primo de Rivera ang kasunduan noong Disyembre 14 at ni Paterno bilang kinatawan ni Aguinaldo kinabu- kasan. Noong Disyembre 20, pinagtibay ng kapulungang rebolusyonaryo sa Biyák-na-Bató ang papeles na tina- tawag ngayong Kasundúang Biyák-na-Bató. Itinatakda dito ang pagbabayad ng pamahalaang Español ng halag- ang 800,000 piso kapalit ng boluntaryong pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hong Kong at pagsuko ng rebolusyon. Binayaran ito sa tatlong bahagi: 400,000 para kay Agui- naldo matapos itong umalis sa Biyak na Bato patungo Hong Kong; 200,000 kapag naisuko na ang mga armas; at 200,000 matapos maisagawa ang Te Deum sa katedral ng Maynila at maiproklama ang pangkalahatang am- nestiya. Sa araw ng Pasko, ipinroklama ni Aguinaldo ang pagwawakas ng rebolusyon bago siyá tumulak patungong Hong Kong. Sa kabila nitó, nagpatuloy ang pakikipagla- ban ng mga rebolusyonaryo. (LN)