Bistáy

tools, basketry, handicrafts, crafts, rice

Ang bistáy ay nagmula sa mga Chino na salaang gawa sa masinsin at makitid na lapát na kawayan at ginagamit upang maihiwalay ang bigas sa ipa, binlid, o darak. Maaari rin itong tumukoy sa bahagi ng kiskisan para salain ang darak.

Tinatawag na bistay-pinawa ang gumagamit ng mas malalaking salaan para sa bigas; at tinatawag namang bistay-darak ang gumagamit ng mas pinong salaan. Tinatawag ding bistáy ang mga bandehang yari sa kawayan na kadalasang pinaglalagyan ng mga isdang pinapatuyo. (ECS)

 

 

 

 

 

 

 

Cite this article as: Bistáy. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bistay/