biló-biló

Ang biló-biló ay galapong na binilog na tila mga holen, malimit na sinlaki ng holen, at pangunahing sangkap sa ginatan, lalo na ng alpahór. Kayâ itinuturing na mabigat na meryenda ang alpahor, dahil mula sa giniling na bigas ang biló-biló at tila kumakain din ng kanin ang kumakain ng alpahor. Isipin pa ang bigat ng meryenda kung sasabayan ng bíko ang paglaklak ng alpahor.

Dapat ituring ang biló-biló na isang malikhaing paghahain sa bigas, bukod sa kanin at puto. Marami ang hindi nakakikilála sa bilo-bilo bilang transpormasyon ng bigas. Lalo nang hindi napapansin ang bilo-bilo bilang bagong hubog ng galapong (na mula sa gini-ling na bigas) kapag nakahalò ang bilo-bilo sa matatamis at malinaman na ibang sangkap ng alpahor. (MJCT)

 

 

Cite this article as: biló-biló. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bilo-bilo-2/