bidbíd
Philippine Fauna, fish, aquatic animals
isdang bidbíd ay kabilang sa pamilya Elopidae at ang pinakakilaláng uri ay ang Elops. Matatagpuan ito sa malawak na karagatang tropiko, sa may lalim na 1–30 m. Ang mga batàng bidbid ay pumapasok sa mga estuwaryo at tubig tabáng.
Ang katawan ay fusiform, pabilog, at medyo siksik. Malaki ang mga matá at bahagyang binabalutan ng taba ng pilikmata. Ang bibig ay nása dulo, ang itaas na panga ay umaabot hanggang sa matá, at ang ibabâng panga ay kitang-kita. May 95–20 kaliskis ang linya sa gilid ng ka-tawan.
Ang pinakakilalang uri ng bidbíd ay ang Elops hawaiensis. Ang lahat ng palikpik ay walang tinik. Ang mga kaliskis ay napakaliit, halos 100 sa gilid ng katawan. Ito ay makikitang pumapasok sa mga lawa, estuwaryo, bakawan, at palaisdaan. Minsan ay pinapasok din ang mga sapà pero hindi ang pinakaloob. Mabilis itong lumangoy at kada-lasan ay nagsasáma-sámang lumangoy sa karagatan. Nan-gingitlog sa dagat at ang larva ay lumalapit sa pampang hábang ito ay lumalaki. Kumakain ng iba’t ibang uri ng isda at krustaseo. Ito ay ibinebenta nang sariwa o inilal-agay sa yelo. Ito rin ay ipinoproseso upang gawing pag-kain ng ibang isda. Walang masyadong pag-aaral tungkol sa biyolohiya ng bidbid. (MA)