Bíbliyá

Christianity in the Philippines, Catholicism in the Philippines, Christianity, Catholicism

Ang Bíbliyá (Bible sa Ingles at Biblia sa Español) ang banal na aklat ng mga Kristiyano. Nakapaloob dito ang Salitâ ng Diyos at ang Mabuting Balitâ na binabása sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa Katolisismo, binubuo ito ng dalawang bahagi, ang Lumàng Tipán at ang Bágong Tipán, na may 73 aklat. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng mga salaysay hinggil sa paglikha ng santinakpan at ukol sa pagkahirang ng Diyos na si Yahweh sa bayang Israel bilang pinilìng pangkat ng mga tao. Ang Bagong Tipan  naman  ay naglalamán ng mga salaysay ukol sa búhay at pangaral ni Hesus, na anak ng Diyos at isinugo sa lupa ang tubusin ang tao sa kasalanan, lalo na yaong alinsunod sa  kaniyang  mga apostol at unang ebanghelista Ang salitâng “bibliya” ay nagmula sa Griego na ang ibig sabihin ay “maliit na aklat.” Si Moises ang nagpasimula ng pagsulat ng Bibliya noong 1513 B.C.E. Si Juan na-man ang hulíng nagbahagi ng kaniyang aklat. Inabot nang halos 1,610 taón bago napagsáma-sáma ang mga aklat na bumubuo sa Bibliya sa kasalukuyan. (IPC)

 

 

 

 

 

 

 

Cite this article as: Bíbliyá. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bibliya/