bíbe
Philippine Fauna, duck, birds, agriculture
Ang bíbe (Cairina moschata) na minsan ay tinatatawag ring bíbi, ítik, o páto ay isa sa mga uri ng ibon sa ilalim ng class Aves. Ito ay nagmula sa pamilyang Antidae ng mga ibon. Ang uri ng bibe ay maliit kung ikokompara sa gansâ. Magkasinglaki ang lahi ng bibe at ng itik, ngunit maputî ang balahibo ng bibe samantalang ang itik ay may kulay kayumanggi o itim o batik-batik na kayumanggit at itim. Kalimitang nabubuhay ang bibe sa mga tubigan.
Napapagkamalan ang mga bíbe sa ibang uri ng ibon na may katulad na anyo. Ang kabuuang hugis ng mga bibe ay biluhaba na patulis hanggang sa may buntot. Karami-han nitó ay may mahabàng leeg bagaman ang ibang uri ng bibe ay may kakaiba ring hugis. Ang pakpak ng bibe ay malalakas at may kaliitan. Sa kanilang paglipad, ang pakpak na ito ay ikinakampay nang mabilisan upang ma-iangat ang katawan mula sa lupa. Ang ibang uri ng bibe ay nahihirapan sa paglipad.
Ang mga bibe ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman, isda, at insekto. Ang mga uri ng bibe na na-kasisisid sa ilalim ng tubig ay siyang hirap naman sa pagli-pad sapagkat may mas mabigat na katawan. Ang salitâng bibe o bibi ay salitâng katutubo ng mga Filipino na ang katumbas sa salitâng Malay ay bebek na tumutukoy sa sisiw o ang inakay na ibon. Ang mga produktong itlog at karne mula sa bibe ay siyang napagkukunan ng kita ng mga nag aalaga nitó. Maaari itong paramihin sa likod bahay sapagkat hindi ito gaanong nangangailangan ng malaking espasyo. Ang inahing bibe ay umiitlog ng 8–16 na nililimliman sa loob ng 35 araw. Ang ina-hing lumilimlim ay umaalis sa pugad sa loob ng 20 minuto hanggang isa at kalahating oras, upang kumain at uminom, at pagkatapos ay babalik na sa mga itlog. Ang mga bagong sisiw mula sa napisâng itlog ay kara-niwan nang katabi ng inahin. Nananatili ang ganitong sitwasyon hanggang 12 linggo o higit pa. Hindi pa kóyang magbigay ng tamang init para sa sariling kata-wan ang mga sisiw kayâ laging malapit ang mga ito sa inahin lalo na kung gabi. (SSC)