Salvador F. Bernal

(7 Enero 1945–26 Oktubre 2011)

Si Salvadór F. Bernál ay isang katangi-tanging tagadis- enyo sa teatro bukod sa iginagalang na makata at guro. Ang kaniyang halos apat na dekada sa pagsasagawa ng disenyo para sa teatro at pelikula ay nag-ambag ng mga obrang nanguna, orihinal, at nagtaas ng antas ng sining ng paglikha ng mga kasuotan, set sa entablado, at mga disen- yong pamproduksiyon. Iginawad sa kaniya ang   Pamban- sang Alagad ng Sining para sa Disenyong Panteatro noong 2003.

Nakagawa siyá ng mahigit sa300 orihinal na disenyong pamproduksiyon, set, at ka- suotan para sa entablado teatro, sayaw,at musical at sa pelikula mula pa noong 1969. Ang kaniyang mga obra ay nagpahusay sa mga pagtatanghal ng Dulaang UP, Tanghalang Ateneo, Tanghalang  Pilipino,  Philippine Ballet fteater, Ballet Philippines, Musical fteater Phil- ippines, Opera Guild of the Philippines, at sa mga peli- kulang (para sa mga kasuotan ng panahon) Aguila; Oro, Plata, Mata; Gumising Ka Maruja.

Nagtampok , nakatuklas, at nagpamalay siyá ng gamit para sa disenyo at produksiyon ng mga lokal na matery- ales, gaya kawayan, abaka (hibla at lubid), burlap, ratan, at katsa. Nag-eksperimento rin siyá sa mga materyales, gaya ng klarong plastik na bolpen para gawing chandelier. Natunghayan ang talinong Bernal sa mga set, kasuotan, at disenyong pamproduksiyon ng mga hindi malilimu- tang mga pagtatanghal, gaya sa Francisco Maniago (1987, Tanghalang Pilipino), Lysistrata (1988, Tanghalang Pili- pino), Walang Sugat (1991, Tanghalang Pilipino), Noli Me Tangere (1995, Tanghalang Pilipino); Tales of the Manuvu (1974, Ballet Philippines), Engkantada (1991, Ballet Philippines); sa musikal: Oliver (1978), Ang Palabas ay Bukas (1979); sa drama: Larawan (1978), Cat on a Hot Tin Roof (1980), at marami pang iba.

Si Bernal ay ipinanganak noong 7 Enero 1945 at ika-lima sa sampung supling nina Santiago Bernal at Ubalda Floro. Nagtapos siyá ng hay-iskul sa Dagupan City High School at nagkolehiyo sa Ateneo de Manila (1962–1966). Nalimbag sa Heights, magasin pampani-tikan ng Ateneo, at nagkamit ng mga gawad ang kaniyang mga tula. Nagtapos siyá ng pilosopiya noong 1966 ng may mga gawad at nagkamit ng Mulry Award para sa malikhaing pagsulat. Mula 1966 hanggang 1970 ay nagturo siyá ng Ingles sa Ateneo. Naging direktor siyá ng ilang mga dula para sa Ateneo Drama Group. Nagtapos si Bernal noong 1973 ng Masters sa Fine Arts sa Northwestern University sa Chicago, Illinois, bilang Fullbright-Hays grantee. Si Bernal ay naging residen- teng tagadisenyo ng mga produksiyon ng Ballet Philippines (1975–1990) at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1987–1989); at direktor para sa Sentro ng Dis- enyong Pamproduksiyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1990–1994). Sa pamamagitan ng kaniyang mga programa sa Sentro ng Disenyo at sa mga klase na tinuturuan sa Unibersidad ng Pilipinas at sa Ateneo, nabahagihan niya ng kaniyang talento ang ang mga bagong henerasyon ng tagadisenyo sa teatro. (RVR)

Cite this article as: Bernal, Salvador F.. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bernal-salvador-f/