bayákan

Philippine Fauna, Flying Fox, bats, mammals, endangered species, ecology

 

Ang bayákan (Pteropus dasymallus) o Ryukyu Flying Fox ay isang species ng paniki mula sa pamilyang Pteropodidae na kumakain ng mga prutas at halaman. Makikita ito sa mga isla ng Batan, Dalupiri, at Fuga sa Filipinas at sa karatig bansang Taiwan at Hapon.

Naninirahan ito sa mga punongkahoy ng kagubatang subtropikal at tropikal o kayâ sa mga pinak na tropikal. Kara-niwang makikitang magkakasáma ang mga ito. Tumatagal ang buhay nitó nang mga 24 taon. Pangunahing pagkain ay mga fig, bunga, bulaklak, dahon, at ilang insekto. Mahinà itong magparami. Ang babaeng bayakan ay makapagbubuntis lamang kapag may isa o dalawang taóng gulang na.

Nag-bubuntis ito nang apat hanggang anim na buwan, at karaniwang nagaganap ang pagpaparami mula Nobyembre hanggang Enero.

Kinikilalang isa sa mga mahahalagang pollinator ng mga halaman sa kagubatan, inilagay ito ng IUCN Red List of Threatened Species sa kategoryang Near Threatened dahil sa patuloy na pagkasirà ng tirahang kagubatan at paghúli upang gawing pagkain. (KLL)

 

Cite this article as: bayákan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bayakan/