bálud

Philippine Fauna, birds, endemic species, Philippine endemic species,

Ang bálud o imperial pigeon ay isang uri ng ilahas na kalapati mula sa family na Columbidae at genus na Ducula. Mayroon itong nagsasalungatang kulay sa ulo, batok, at tiyan hábang mas maitim ang mga pakpak at likuran. Mayroong kulay putî na may itim na pakpak at buntot;  mayroon  ding  nag-aagaw ang kulay abo at rosas o abo at bughaw na mayroong berde; mayroong  bughaw  o  kayumanggi ang likod at pakpak. Ang ilan ay may marka sa paligid ng mga matá. Ang karaniwang laki nitó ay nása 205–245 mm ang pakpak, 121–174mm ang buntot, 1725 mm ang tuka, at 2634 mm ang tarsus. Naninirahan ang mga ito sa mga punongkahoy at kumakain ng prutas.

Ang mga balud na endemiko sa Filipinas ay ang ducula poliocephala (pink-bellied imperial pigeon), ducula mindorensis (Mindoro imperial pigeon), at ducula carola (spotted imperial pigeon); ang ilan pang uri ng balud na matatagpuan sa bansa ay ang ducula aenea (green imperial pigeon), ducula pickeringii (gray imperial pigeon), at ducula bicolor (nutmeg imperial pigeon). Matatagpuan ang mga ito sa kagubatan ng Hilaga at Gitnang Luzon, Balabac, Calamianes, Dumeran, Palawan, Mindoro, Panay, Cebu, Dinagat, Leyte, Masbate, Negros, Samar, Sibuyan, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi. (KLL)

 

 

 

 

 

 

 

Cite this article as: bálud. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/balud/