Bágong Taón

festivals, feasts, celebrations, customs, traditions

 

 

Ang Bágong Taón (New Year sa wikang Ingles) ay isang pagdiriwang bilang pagsalubong sa panibagong taón sa búhay ng mga Filipino. Wika nga, “Bagong taón, bagong búhay.” Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng En ero ngunit bisperas pa lámang o 31 Disyembre ay maku-lay, masayá, at maingay na ang paghihintay sa hatinggabi at paglipat ng taón. Ang totoo, ipinagdiriwang ito sa ha-los buong mundo, bagaman kung Pebrero ang Bágong Taóng Tsíno batay sa kanilang kalendaryo. Sa Filipinas, itinuturing itong ikalawang Pasko at nagtitipon ang bawat pamilya para sa isang salusalo.

 

Ang pagdiriwang ng Bágong Taón ay mayroong pinag-sámang kulturang Español at Chino. Ang pagkain kung hatinggabi, ang Media Noche (Méd·ya Nó·tse), ay Espa-ñol. Ang paggastos sa makukulay at malalakas na paputok ay Chino. Sa gabi ng bisperas ng Bágong Taón, ang buong pamilya ay nagsisimba bilang pasasalamat sa biyaya ng nakaraang taón. Pagkatapos, bago sumapit ang alas-dose, ang pamilya ay nagsasálo sa Media Noche. Sinisindihan ang mga rebentador at kuwitis bilang makulay na pagsa-lubong sa bagong taón.

 

Maraming pamahiin ang mga Filipino sa pagdiriwang ng Bágong Taón. Isa ang pagkompleto sa labindalawang prutas sa hapag-kainan bilang simbolo ng labindalawang masaganang buwan sa buong taón. Isa pa ang pagsusuot ng damit na may disenyong bilóg para sa suwerte. (IPC)

 

 

Cite this article as: Bágong Taón. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/bagong-taon/