Babaylán

Ancient Philippines, ancient customs, beliefs, spirituality, epics

 

 

Babaylán ang tawag sa mga nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa Filipinas. Tinatawag din silang bay-lán o daytán (Bisaya), katalónan (Tagalog), at maaram (Kiniray-a). Ang iba pang katawagan ay mumbaki, alpo-gan, anitera, balyana, bayok, doronakit, mambunong, mandadawak, mansipok, mirku, munsayaw, at sha-man. Kapuwa ginampanan ng mga babae at lalaki ang mga tungkulin ng babaylan.

 

Ang mga babaylan ang katuwang ng datu at panday sa pagpapatakbo ng sinaunang lipunang Filipino. Sila ang tagapayo sa komunidad sa larangan ng espiritwalidad at ekonomiya. Ang mga babaylan din ang namamahala sa mga ritwal gaya ng sa panggagamot at sa agrikultura. Sa kontekstong pang-agikultura, nagagamit ng mga babay-lan ang kanilang pagkadalubhasa sa takbo ng kalikasan. Halimbawa, sila ang sinasangguni hinggil sa panahon ng pagtatanim at pag-ani dahil sa kanilang kaalaman sa as-tronomiya. Sila rin ang tagapangalaga at tagapamahala sa mga salaysay, halimbawa, ng mga epiko at mitolohiya, at kabuuang kultura ng bayan.

 

Puwersahang pinapaglaho ng mga mananakop na Español ang mga babaylan. Binansagan silang mga mangkukulam at kampon ng demonyo sapagkat naging banta sila sa sim-bahan at pamahalaang pinatatakbo ng mga kolonyalista. Sa kabila ng banta ng kolonyalismo sa kanilang pag-iral, naging bahagi ang mga babaylan sa pakikibáka para sa re-pormang agraryo, kalayaan sa relihiyon, at pagpapatalsik ng mga dayuhan. (SABP)

 

 

Cite this article as: Babaylán. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/babaylan/